Para nga ba sa kaniyang "BFF" na si Darren Espanto ang cryptic Instagram story ni Kapuso actress-TV host Cassy Legaspi?

Usap-usapan kasi ang pagbabahagi niya ng kantang "Favorite Crime" ng award-winning international singer na si Olivia Rodrigo.

Photo courtesy: Screenshot from Cassy Legaspi (IG)

Halos sabay ito sa cryptic Instagram story naman daw ng kaniyang mommy at aktres na si Carmina Villarroel, na bagama't wala namang binanggit na pangalang mga kasangkot o kung ano ang konteksto nito, ay minamalisya ng mga netizen na parinig daw kay singer-actor-TV host Darren Espanto.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Mababasa sa shinare ni Carmina sa kaniyang Instagram story, “Don’t expect the same in return.”

Photo courtesy: Carmina Villarroel (IG)

Timing kasi ito sa pag-amin ni Darren kamakailan sa "It's Showtime" at sa isang panayam ng ABS-CBN News na single siya at mag-bestfriend talaga sila ni Cassy, isa sa mga anak nina Carmina at Zoren.

Natanong pa si Darren kung may ilelevel-up pa ba ang ugnayan nila ni Cassy.

"Not right now," sagot ni Darren.

Matatandaang inakusahan si Carmina ng mga netizen na masyado niyang bine-baby ang mga anak, partikular ang lalaking anak na si Mavy Legaspi, sa isyu naman ng break-up rumor nito sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

Sa isang episode ng "Sarap Di Ba?" ay emosyunal na ipinaliwanag ni Carmina na gagawin niya ang lahat bilang magulang para protektahan ang mga anak.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Darren, Cassy, at maging si Carmina patungkol dito.

MAKI-BALITA: Resbak para kay Cassy? Cryptic post ni Carmina, pasaring daw kay Darren