Nagsalita na ang Kapamilya singer, actor, at TV host na si Darren Espanto tungkol sa real score sa pagitan nila ng Kapuso actress-TV host na si Cassy Legaspi, isa sa anak na kambal nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Matatandaang nali-link sa isa't isa sina Darren at Cassy dahil sa madalas nilang pagsasama sa mga travel, at sa gatherings ng kani-kanilang home network, silang dalawa ang magka-date.

Ngunit simula nang tila ireto ni Carmina ang anak kay Kapuso artist Michael Sager sa kanilang talk show na "Sarap Di Ba?," dito na nagsimulang magtanong ang mga netizen kung hindi raw ba boto ang ina kay Darren para sa kaniyang unica hija.

Sa Saturday episode nga ng "It's Showtime" na unang araw ng pag-ere ng Kapamilya noontime show sa GMA Network, naurirat ni Vice Ganda kung may girlfriend si Darren, matapos mai-partner kay Kapuso actress Jillian Ward sa segment na "KaraoKids."

Relasyon at Hiwalayan

Mommy ni Gerald Anderson, humihirit na ng apo?

"Wala," sey ni Darren.

MAKI-BALITA: Sey mo Cassy? Darren Espanto may inamin, walang girlfriend ngayon

MAKI-BALITA: Darren Espanto, Jillian Ward nag-iisip na ng collaboration

At sa latest interview nga sa kaniya ng ABS-CBN News kamakailan, nilinaw ni Darren na mag-best friend lang sila ni Cassy.

"Sabi namin best friends lang kami ni Cassy, best friends talaga eh, parang... it's something that a lot of people I guess, won't get... hindi ko alam kung paano i-explain, but siyempre nando'n pa rin 'yong pagmamahal namin para sa isa't isa..."

Nang tanungin naman kung handa ba silang i-level up ang friendship sa hinaharap, "Not right now."

Kaugnay nito, iniintriga ng mga netizen ang "cryptic Instagram stories" daw ng mag-inang Carmina at Cassy patungkol daw sa mga sinabi ni Darren.

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘resbak’ ni Carmina; Cassy, nagpasaring din kay Darren?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga nabanggit na pangalan tungkol sa isyu.