Trending ngayon ang pangalan ni Kapuso actor Derrick Monasterio matapos niyang bumisita sa noontime show na “It’s Showtime.”

Sa kaniya kasing special performance nitong Martes, Abril 9, sa naturang noontime show, ipinamalas ni Derrick ang talento niya sa pagkanta na tila ngayon lang nasaksihan ng mga netizen. 

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon sa X ang kaniyang performance. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Ang ganda ng singing voice ni Derrick Monasterio juskelz. Marunong pala siyang kumanta, akala ko puro pabakat lang talent niya. Char char lang.”

“Nag Rak of Aegis ata siya kaya ganda talaga ng boses. 🙂”

“Yan dapat ang pinapangshow sa abroad Di ung luya-luya guy, da ba @pookiepay... All Lokoh…”

“Ganda pala ng boses ni derrick”

“ang tanda ng boses nya. parang matanda yung kumakanta.”

“di boses mickey mouse”

“bagay sa kanya kapamilya filterr”

“Bakit ako WFH?! 😭 Ang ganda pala ng singing voice ni Derrick Monasterio. Ang ganda rin ng rehistro niya sa TV dahil sa Kapamilya filter. “

“Di lang pala pogi si Derrick Monasterio, may boses din. Balik ka bukas babe. “

“Derrick Monasterio can actually sing???”

“I didn’t KNEW Derrick Monasterio could sing! 💕 #ItsShowtime”

Matatandaang umeere na sa GMA Network ang “It’s Showtime” bilang opisyal na noontime show ng naturang network simula noong Sabado, Abril 6.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ opisyal nang mapapanood sa GMA sa Abril!