Maraming netizen ang naghayag ng pagkadisgusto sa kasalukuyang hitsura ng aktres at beauty queen na si Kylie Verzosa.

Sa isang Instagram posts kasi ni Kylie noong Sabado, Abril 6, makikita ang mga kuha nilang larawan ng co-star niyang si Paulo Avelino sa ginanap na media conference ng pelikula nilang “Elevator.”

At kapansin-pansin ang tila pagbabago sa hitsura ni Kylie kumpara dati. Parang ibang tao na kung tutuusin. 

Kaya naman, umani ng ilang reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

“Kylie, tigil mo na pagpapa retoke mo. Hindi na maganda! isearch mo ang mukha mo dati, napakaganda mo, natural at very simple. Adik na adik kana mag pa filler at retoke ng ilong. Di na maganda. Sayang ka!”

“nakakamis ang dating face ni kylie during miss international days❤️”

“Grabe ibang iba na ichura ni kylie.”

“Ay parang nag iba na mukha mo po. Dati para kang barbie sa ganda”

Matatandaang bukod sa mukha, pinuna rin kamakailan ng mga netizen ang kalagayan ng kaniyang katawan dahil umano sa sobrang payat.

MAKI-BALITA:Buto’t balat na raw: Kapayatan ni Kylie Verzosa, ikinabahala sa socmed