Ibinahagi ng komedyante at dating contestant sa "Miss Q&A" at housemate sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition na si Brenda Mage na hiwalay na sila ng kaniyang boyfriend na si Gio Sta. Ana.

Sa kaniyang video na naka-upload sa kaniyang Facebook, ibinahagi ni Brenda na matapos ang halos dalawang taon ay naghiwalay na sila ng landas ni Gio.

"Dito nalang.. Salamat sa 22 months nating Dalawa at sa masasayang Alaala," caption ni Brenda.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Sinariwa ni Brenda ang masasayang alaala nila ng ex-boyfriend, habang nakahiga sa kama at yakap ang teddy bears na regalo nito sa kaniya, pati na ang isang unan na may disenyo ng mga larawan ni Gio.

Hindi binanggit ni Brenda ang dahilan ng kanilang hiwalayan. Bagkus, nagpasalamat na lang ang komedyante sa kanilang fans at followers na sumubaybay sa kanilang "pagmamahalan."

"Thank you so much guys sa support sa amin ng BreGio, maraming-maraming salamat sa walang humpay na pagsuporta n'yo sa amin, sa halos dalawang taon namin, or one year and ten months naming mag-jowa, thank you so much for the undying support, at ngayon ay talagang wala na kami, and I hope you continue support us kahit magkahiwalay na kami ng landas..." ani Brenda.

Hunyo 2022 nang ibida ni Brenda ang relasyon nila ni Gio.

Ipinagtanggol pa niya si Gio sa mga nagsasabing peperahan lang siya nito.

“Anu ngayon kung pera lang habol sakin ng lalaki at niloloko lang ako! Big deal? Yung magaganda at pogi nga naglolokohan eh anu pa ganitong mukha ahaha anu to Para sa inyo lang Valid ang Feelings hahahaha Taas ang kamay sa mga di gumagastos sa Jowa yung malinis ang Relasyon ahahaha HAPPY?” aniya.

MAKI-BALITA: “Ano ngayon kung pera lang habol sa akin ng lalaki?” Brenda Mage, ibinalandra ang bagong jowa