Naglabas ng anunsiyo ang Department of Education kaugnay sa magiging moda ng klase sa mga pampublikong paaraaln sa Lunes, Abril 8.

Sa Facebook post ng DepEd nitong Linggo ng hapon, Abril 7, sinabi nila na isailalim sa asychronous o distance learning ang klase sa mga pampulikong paaralan sa buong bansa.

“In order to allow learners to complete pending assignments, all public schools nationwide shall implement asychronous/distance learning on Monday, 8 April 2024,” pahayag ng DepEd.

“Likewise, teaching and non-teaching personnel in all public schools shall not be required to report to their stations,” anila

Gayunpaman, bagama’t hindi saklaw ng ibinabang abiso ang mga pampribadong paaralan, binibigyan sila ng ahensya ng option na gawin din ang nabanggit na moda ng klase.

“Finally, private schools shall not be covered by this advisory but shall have the option to implement the same,” saad pa nila.