Pinagkaguluhan ng mga netizen ang searchee na napili ni Miss Universe 2023 Michelle Dee sa “EXpecially For You” ng “It’s Showtime.”

Isa si Michelle sa mga Kapuso artist na bumisita sa kauna-unahang pag-ere ng naturang noontime show sa GMA Network. Kasama ng beauty queen ang ina niyang si Melanie Marquez.

At tila buenas ang kaniyang pagsalang sa “EXpecially For You” dahil nakabingwit siya ng isang matipunong lalaki sa katauhan ni Oliver Moeller, isang attorney na taga-Cebu. Sa unang tingin nga, kamukha siya ng award-winning actor na si Piolo Pascual.

Kaya naman, umani ng samu’t saring reaksiyon sa X ang eksena nina Michelle at Oliver sa naturang segment. Narito ang ilang hanash ng mga netizen:

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“hindi naman halata na kinilig si Michelle Dee dito.  And pag ngumiti si Atty. Oliver parang si Papa P! sobrang bagay talaga sila 😊”

"Ala papa P ang Pogi!  #ShowtimeSanibPwersa"

"Para naman kaseng si Papa P itong Si searchee #3 Oliver "

"Ang sarap naman ni Papa P, Oliver huhu Congrats momshie Michelle Dee"

"YIE. HAWIG NI OLIVER SI PAPA P HHAHAHAAHAHAHAHAHA KAYA KUNG HINDI SI TONYANG, PLEASE PLEASE KAYO NALANG HUHU EHE"

"grabe kamuka ni Papa P, bagay kayo mmd @michellemdee"

"ang pogi ni Oliver bos md acckkk papa p"

"Haha trending si Papa P dahil sa showtime."