Inintriga ng mga netizen ang naging reaksiyon ni “It’s Showtime” host Kim Chiu nang ipakilala sa segment na “EXpecially For You” ang isa sa mga searchee nito na si Oliver Moeller.

Tila hindi kasi napigilan ni Kim ang paghanga kay Oliver nang bumungad ang hitsura nito. In fact, pati ang co-host niyang si Vice Ganda ay napansin ang reaksiyon niya.

“Noong lumabas parang sabi niya: ‘Pwedeng back-to-back kami ni Michelle [Dee] dito,” sey ng komedyante.

Hindi rin naman nagpahuli ang mga netizen sa pagbibigay ng komento lalo na nang mag-post si Paulo Avelino ng dalawang beses sa Instagram account nito.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Matatandaan kasing nakitaan ng chemistry sina Paulo at Kim simula noong gumanap sila sa TV series na “Linlang”. Nasundan pa nga ito ng isa pang proyekto sa ilalim naman ng Viu at ABS-CBN na ipo-produce ng Dreamscape Entertainment na pinamagatang “What’s Wrong With Secretary Kim?”

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?

“Ang init 🥵Summer na ba?” saad ni Paulo sa video na ibinahagi niya kung saan makikitang nakasakay siya sa motor.

"May Atty na naman pong nakapaligid sa prinsesa.. gustong mabugbog ni Victor 😂"

"May kilig factor din yung atty. At si kim ..bagay din sila kasi gwpo din magkamukha ni piolo pascual din."

"Ayan na sya susugod na sa Showtime. Lagot k attorney. 😂🔥❤"

"saan punta mo Pau sa Showtime? KimPau pa rin ako solid forever💚❤️🙏"

"Tapos na It's Showtime susunduin na si Kimmy baka maunahan pa ng Lawyer taga Cebu, kinilig si Miss Kimmy ni Atty.Oliver ng Opon Cebu parehong bisaya"

"Opo mainit...mainit ulo mo po ba dadi? 😅"

Samantala, sa kaniyang Instagram story, makikita naman ang pagwo-work out ng aktor.

“Partida kaka-dislocate lang ng shoulder ko,” aniya.

Sey tuloy ng isang netizen sa X: “Bakit parang pare pareho tayo naiisip sa biglang pagreels at pagstory ni Pau. For sure nanood sya ng IS at amoy na amoy natin SELOS nya...Don't worry Pau kay MMD na yun si Mr. Attorney at sayo lng si Kimmy.”

Anyway, si Oliver ay isang searchee na napili ni Miss Universe 2023 Michelle Dee sa segment na “EXpecially For You” ng “It’s Showtime.”

MAKI-BALITA: Searchee na napili ni Michelle Dee sa ‘EXpecially For You,’ makalaglag-panty sa kagwapuhan