Usap-usapan ng mga netizen ang mga naging pahayag ni Unkabogable Star Vice Ganda sa kaniyang unkabogable opening performance nitong araw ng Sabado, Abril 6, sa unang araw ng pag-ere ng noontime show na "It's Showtime" sa GMA Network, ilang linggo matapos ang pamamaalam sa ere ng "Tahanang Pinakamasaya."

Nagkataon ding birthday celebration ito ni Vice kaya naman talagang bonggang-bongga ang pasabog na performance niya kasama ang iba pang It's Showtime co-hosts.

Pasabog din ang naging spoken word poetry ni Vice na tila "pang-asar" at tirada sa kaniyang bashers.

"Ako si Vice Ganda. A dreamer. A fighter. A winner. Isang batang bakla na nanggaling sa isang payak at makulay na barangay ng Maynila," aniya.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

"Sinong magsasabing makakarating ako sa kinatatayuan ko ngayon? Pambihirang posisyon. Paano ba ako napunta dito? Simple lang ang sagot ko..."

"Nandito ako dahil nangarap ako. Kumilos ako. Nanalig ako. Nanalo. Natalo. At nanalo ulit ako."

"At masakit mang tanggapin para sa iba, hanggang ngayon, nananalo pa rin ako. Bwak Bwak Bwak Bwak!!!!"

Dahil sa tawang "bwak bwak bwak bwak," marami tuloy ang humulang ang isa sa mga pinatatamaan niya rito ay si showbiz columnist Cristy Fermin, na kamakailan lamang ay nagbitiw ng mga patutsada laban sa kaniya.

[embed]https://twitter.com/thequeenanima/status/1776459008989433994[/embed]

MAKI-BALITA: Cristy Fermin, binanatan si Vice Ganda sa paglipat ng It’s Showtime sa GMA

MAKI-BALITA: Vice Ganda, mas pinili raw maging magaling kaysa maging mabuti

MAKI-BALITA: Kayabangan ni Vice Ganda hindi raw nawala, sey ni Cristy

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Cristy kaugnay rito.