Kabilang ang aktres na si Glaiza De Castro sa mga Kapuso artist na bumisita sa unang pag-ere ng “It’s Showtime” sa GMA Network nitong Sabado, Abril 6.

Naglaro si Glaiza sa guessing game ng naturang noontime show na “Karaoke Kids.” At ang nakapareha pa niya sa naturang laro ay si Karylle na tulad niya ay gumanap din bilang Sang’gre sa unang bersyon ng “Encantadia.”

Tila patunay ito na walang bad blood sa pagitan ni Glaiza at ng “Showtime” kahit ito ang ipinalit sa noontime show na “Tahanang Pinakamasaya” kung saan siya nag-host.

In fact, pati ang main host na si Paolo Contis ay bukas sa posibilidad na makatrabaho ang iba pang hosts ng “Showtime.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

MAKI-BALITA: Paolo, sa paglipat ng ‘Showtime’ sa GMA: ‘I’m very happy’

Matatandaang nagsimulang umugong ang balitang matsutsugi ang naturang noontime show noong Marso 2. Kapansin-pansin kasi ang tila pananamlay ng mga host sa kanilang finale spiels.

MAKI-BALITA: ‘Tahanang Pinakamalungkot?’ Noontime show ng TAPE, tsikang sisibakin na raw

Kalaunan, kinumpirma ng TAPE, Inc. at GMA Network sa isang pahayag ang naturang balita. Kaya matapos ito, nagsimulang magsulputan ang tanong na kung anong noontime show ang ilalagay sa nabakanteng time slot.

MAKI-BALITA: Willie Revillame, ipapalit sa ‘Tahanang Pinakamasaya?’

MAKI-BALITA: Alin mas masaya? It’s Showtime, TikToClock maugong na isasalpak daw sa timeslot ng Tahanang Pinakamasaya

Pero sa huli, natuldukan ang tanong sa isip ng mga tagasubaybay nang pumirma ang ABS-CBN ng kontrata sa GMA para punan ng “It’s Showtime” ang iniwang puwang ng “Tahanang Pinakamasaya.”

MAKI-BALITA: Vice Ganda sa GMA Network: ‘Ang dali nilang kausap’