Nakakaloka ang mga netizen sa "pandodogshow" o paggawa ng meme na video kay Kapamilya Star Daniel Padilla, na kunwari ay pinapanood sa kaniyang smartphone ang viral video ng kasweetan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, nang sorpresahin ng huli ang una sa isinagawang surprised birthday party sa kaniya.

Ang ginamit ng kung sinumang netizen ang may time para mag-edit dito, ay mula sa eksena ni Daniel sa "Crazy Beautiful You" na pelikula ng KathNiel noong 2015.

Sa nabanggit na eksena, makikitang umiiyak si Daniel habang tinatanong siya ng aktres na si Assunta De Rossi kung nasaan na ang kapeng itinimpla nito sa kaniya, na gumanap na nanay niya sa pelikula.

Tapos, ipinakitang kunwari ay pinapanood ni Daniel sa cellphone ang yakapan ng ex-girlfriend at ni Alden.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Awit! Shot puno na Deej!"

"Kaloka, move on na kasi kayo hahaha."

"Ang taba ng utak ng ag-edit hahaha."

"Daming time ng nag-edit ha, di ka busy?"

"Iyak ngayon si Daniel kasi may Alden na.

Matatandaang shini-ship na ng "KathDen" na sana raw ay matuloy na ang part 2 ng "Hello, Love, Goodbye" ngayong 2024.

Bali-balitang matagal na raw sanang meron, kaya lang, ang kumakalat na tsika ay hinarang at pinigilan daw ni Daniel ang part 2 dahil raw sa "selos" noong sila pa ni Kathryn.

MAKI-BALITA: ‘Pa’no si Jericho?’ Alden at Kathryn naispatang magkayakap

MAKI-BALITA: Alden Richards, dumadamoves na raw kay Kathryn Bernardo?

MAKI-BALITA: Daniel hinarang daw ang part 2 sana ng ‘Hello, Love, Goodbye’ dahil sa selos?

Samantala, wala pang reaksiyon o komento ang kampo ni Daniel kaugnay ng nabanggit na meme.