May napansin ang mga netizen sa hintuturo nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” nitong Huwebes, Abril 4, binasa ni showbiz columnist Cristy Fermin ang text message ng mga tagasubaybay ng kaniyang programa tungkol sa suot na singsing nina Alden at Kathryn.

“Alam mo kanina nag-text sa akin si Ching Bautista Silverio. Sabi niya: ‘Good morning, Nay! [...] Napansin mo ba na si Kathryn and Alden are wearing the same black ring sa index fingers nila? Binring-up ni Jon sa akin, ang asawa kong marites and checked the video meticulously,’”

“Sabi niya: ‘Confirmed, Nay! OMG! May something na nga sila! I consider them the next power couple in showbiz [...] Pakilig pa more, KathDen!’” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Ang video na tinutukoy ng tagasubaybay ni Cristy ay ang biglang pagsipot ni Alden sa surprise birthday party ni Priscilla Tañedo o “Boop Yap” kay Kathryn. Sa video ring ito matutunghayan ang eksena ng pagyayakap ng dalawa.

MAKI-BALITA: ‘Pa’no si Jericho?’ Alden at Kathryn naispatang magkayakap

At dahil sa kagustuhan umano na magpakilig  at magkatuluyan ang dalawa, bibigyan ito ng fans ng iba’t ibang pagpapakahulugan sey ng co-host ni Cristy na si Romel Chika. 

Matatandaang matagal nang shini-ship ng mga netizen sina Alden at Kathryn lalo na noong kinumpirma ng huli ang hiwalayan nila ng ex-jowa nitong si Daniel Padilla.

MAKI-BALITA: Kathryn shini-ship na kay Alden: ‘Baka sila talaga!’