Kasalukuyan na raw pinag-uusapan nina ex-celebrity couple Max Collins at Pancho Magno ang tungkol sa divorce.

Sa eksklusibong panayam ng GMA News nitong Huwebes, Abril 4, ibinahagi ni Max ang tungkol sa bagay na ito.

"Because I'm an American citizen, I'll divorce," saad ni Max.

"It's not active as of now. But soon; we already talked about it, that's something we're working on," dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Gayunpaman, inamin ng aktres na okay naman daw sila ni Pancho sa kabila ng hindi magandang kinahantungan ng kanilang marriage.

"We're good, we're great. It really works for us, very healthy, and we're both happy and our son is very happy, so really it worked out for the best," saad ni Max.

Matatandaang nauna nang isiwalat ni Max ang tungkol sa hiwalayan nila ng dating asawa nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Mayo 2023.

MAKI-BALITA: Max Collins, Pancho Magno kumpirmadong hiwalay na: ‘Every separation is difficult…’