Talagang likas na kina Alex Gonzaga at Luis Manzano ang pagbabardagulan sa social media.

Paano ba naman, sa Instagram post ni Alex tungkol sa teaser ng kaniyang upcoming music video, nag-comment si Luis.

James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'

“Proud of you ate! ‘Di biro ‘yan ha, ‘yung sa dami ng problema sa mundo nakuha mo pa dumagdag,” sey ni Luis.

Resbak naman ni Alex, “[Please] paki-aksyunan na po! @raffytulfoinaction.”

Kaya hagalpak na naman sa tawa ang mga netizen.

Samantala, mukhang malapit nang lumabas ang music video ni Alex dahil pipilitin daw nilang matapos ang edit this week! Mukhang kaabang-abang nga ito.

“Yow Im baCkKk..!!! AG bAcK !!!!!!!! This week yan lalabas pipilitin namin matapos edit! 😂