Nagbigay ng reaksiyon ang social media personality na si Xian Gaza sa tila namumuong love team nina Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo at Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Sa kaniyang Facebook post noong Miyerkules, Abril 3, sinabi ni Xian na bagay na bagay raw sina Alden at Kathryn bilang magkumare.

“Kathryn at Alden, bagay na bagay sila... magkumare,” saad ni Xian.

“Kung anu-ano na lang pinapauso niyo walang ka-chemistry chemistry nakakapika,” aniya pa sa comment section ng naturang post.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Matatandaang ibinahagi kamakailan ni Kathryn ang video summary ng kaniyang birthday celebration na ginanap sa isang yate.

Sa caption ng post ay sinabi ng aktres na ito ang kaniyang “happiest” birthday celebration sa kabila ng katotohanang hindi na niya kasama pang magdiwang ang ex-boyfriend na si Daniel Padilla. 

MAKI-BALITA: ‘Happiest’ birthday ni Kathryn, kung kailan wala na si Daniel?

Samantala, kinakiligan din ng mga netizen ang kumalat na video clip kung saan matutunghayang kayakap ni Alden si Kathryn sa surprise birthday party ni Priscilla Tañedo o “Boop Yap” sa aktres.

MAKI-BALITA: ‘Pa’no si Jericho?’ Alden at Kathryn naispatang magkayakap