Plano ngayon ng Toll Regulatory Board at mga operators ng North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX) na pagmultahin ang mga motorista na kulang o walang load ang radio frequency identification (RFID).

Isa ito sa mga lumabas na problema ng NLEX kaya nauwi sa mahabang pila ng sasakyan sa naturang expressway noong nakaraang Miyerkules Santo.

Paliwanag ni Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) President Rogelio Singson, ang nasabing usapin ang naging problema sa NLEX nitong Miyerkules Santo.

Probinsya

Tinderang tumaga sa aspin na nagnakaw umano ng karne, timbog!

Sinisi ng opisyal ang 5,000 sasakyan na kulang o walang load ang RFID.

Isa aniya sa solusyon upang madisiplina ang mga motorista ay gawin itong traffic violations.