Walang pasok sa Abril 10 bilang pagdiriwang ng Eid'l Fitr o Feast of Ramadhan, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Huwebes.

Sa Proclamation No. 514, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang regular holiday ang Abril 10.

Sinabi ni Marcos, ang pista ng Ramadan ay magbibigay-daan upang matamo ang kapayapaan at pagkakaisa ng sambayanan.

Pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang nasabing proklamasyon nitong Abril 4.
National

Rep. Cendaña sa pag-endorso ng impeachment: ‘Isara na ang bangungot na dulot ni Sara!’