Dinampot ng mga awtoridad ang isang babaeng pasahero na patungong Malaysia matapos mahulihan ng marijuana sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 nitong Miyerkules.
Ito ang kinumpirma ng Office for Transportation Security (OTS) nitong Huwebes at sinabing hindi na muna isinapubliko ang pagkakakilanlan ng suspek dahil sumasailalim pa ito sa imbestigasyon.
"The detection of drugs was just incidental upon the detection of a Swiss knife and a pair of scissors. The expertise of our screeners is on the detection of potential weapons that could be used to commit acts of unlawful interference," paliwanag ni OTS spokesperson Kim Marquez.
Binanggit ng OTS, pasakay na sana ng eroplano ang pasahero patungong Kota Kinabalu at idinaan muna sa manual inspection ang kanyang bagahe.
Metro
Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery
Nauna nang natagpuan sa bagahe ng pasahero ang isang gunting bago nakita ang isang maliit na plastic na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pasahero at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.