Pinag-iingat ng Quezon City government ang publiko dahil posibleng maranasan ang matinding init ng panahon ngayong Huwebes.

Sa datos ng iRISE UP ng city government, posibleng umabot sa 40 degrees celsius ang heat index sa lungsod ngayong Abril 4.

National

Ex-Pres. Duterte sa mga kriminal sa Davao City: ‘Find another place!’

Ang nasabing heat index o init factor ay maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Umapela ang pamahalaan sa publiko na uminom ng maraming tubig at manatili sa loob ng bahay kung kinakailangan upang makaiwas sa sakit na dala ng sobrang init.

Sa pahayag ng pamahalaang lungsod, sakaling umabot sa 40°C ang init factor, automatic na ipatutupad ang alternative delivery modes of learning (synchronous/asynchronous) sa lahat ng pampublikong paaralan.

"Para sa emergency, tumawag lamang sa Helpline 122 o sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office: 8-927-5914/8-928-4396," ayon naman sa social media post ng QC government.