Ang singer-actor-radio disc jockey na si Markki Stroem ang kakatawan sa Pilipinas para sa "Mister Universe 2024" na gaganapin daw sa Hollywood, California sa Setyembre.

Sa panayam ng "Push" kay Markki, sinabi niyang "appointed" siya matapos daw magustuhan ang kaniyang hosting performance sa isang event.

"When I found out about the pageant last year, I was appointed. I got a message from the people in the States because they saw me host Love Yourself's Love Gala with Pia Wurtzbach and Catriona Gray," anang Markki sa panayam.

Sa ngayon ay abala si Markki sa stage play na "Rent" kung saan gagampanan niya ang papel nilang si Benny/Tom Collins na mapapanood sa RCBC Plaza, Makati sa Abril 19.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Unang nakilala si Markki nang maging contestant siya sa "Pilipinas Got Talent" noon sa ABS-CBN.