Nagbigay ng pahayag si Kapuso actor Mark Herras tungkol sa mga naririnig daw niyang kuwento sa kasalukuyang kalagayan ng kaniyang career.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz nitong Martes, Abril 2, nilinaw ni Mark na hindi raw niya pinagsisisihang inilaan niya ang kaniyang oras sa pamilya.

“Ako bilang ama at bilang asawa, parang never namang pumasok sa isip ko na magiging dahilan ‘yong pamilya ko at ‘yong pag-focus ko sa anak ko para mawalan ako ng career,” saad ni Mark.

“Kung nawalan ako ng career, okay. Kung tingin nila gano’n, wala akong problema dyan. Pero ‘di ko pinagsisisihan ‘yong ginawa ko na parang ibinigay ko ‘yong oras, ibinigay ko ‘yong lahat ng pwede kong panahon sa pamilya ko—lalo na sa mag-ina ko,” aniya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Kaya naman, ayon pa kay Mark, hindi raw niya maunawaan kung bakit ginagawang dahilan ang pagbuo ng pamilya para sabihing nawalan ng career ang isang tao.

“Kailangan ko ba ng reason o ng katulong para palawakin ‘yong career ko? Kasi magkaiba ‘yon, e. Magkaiba ang buhay-showbiz, magkaiba ang buhay sa totoong buhay,” pahayag pa niya.

Matatandaang ikinasal si Mark sa fiancee niyang si Nicole Donesa noong Setyembre 2021 sa pamamagitan ng civil wedding sa QC City Hall.

MAKI-BALITA: Mark Herras at gf na si Nicole Donesa, kasal na