Usap-usapan at palaisipan sa mga netizen ang tungkol sa congratulatory post ni "Face 2 Face" host Karla Estrada para sa kaniyang anak na si Daniel Padilla.

Hindi ni-reveal ni Karla kung tungkol saan o bakit, subalit masayang-masaya ang ina para sa bagong milestone ng anak, na kamakailan lamang ay may bagong negosyong binuksan sa Dubai.

"To GOD be the glory! Thank you 🙏🏻🙏🏻🙏🏻" tanging caption dito ni Karla, kalakip ang larawan ni DJ.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Mapapansin namang naka-limit lang ang puwedeng maglapag ng reaksiyon at komento rito. Ilan sa mga celebrity na nagpaabot ng pagbati kay Daniel ay sina Donita Rose, DJ Jhaiho, at Vina Morales.

Halos kasabay ang post ni Karla sa pambubulabog naman ng ex-girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo sa social media, para sa April cover ng isang lifestyle magazine.

MAKI-BALITA: Ano nga bang pananaw ni Kathryn Bernardo tungkol sa pagpapatawad?

Bakit nga ba nag-congrats si Karla kay Daniel? Malalaman soon!