Nagsalita na ang aktres na si Sarah Lahbati patungkol sa naging ispluk ng source ni Ogie Diaz na namataan siya sa Hong Kong na may kasamang ibang lalaki kamakailan.

Sa media conference ng bagong seryeng "Lumuhod Ka sa Lupa" na mapapanood na tuwing hapon sa TV5, nakorner ng press si Sarah at naka-upload sa TikTok account ni MJ Marfori, TV5 showbiz news reporter.

Ani Sarah, hindi naman daw siya naba-bother dahil inasahan na niyang pag-iisipan siya ng mga tao tungkol sa mga nakakasama, lalo't single na siya.

Inulit ni Sarah na single na siya kaya walang kaso sa kaniya kung pagpiyestahan ng mga netizen ang mga kumalat na larawan.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

May mga bagay raw na dapat siyang ika-bother at tila sinasabi ni Sarah na hindi niya pinag-aaksayahan ng panahon ang mga intriga. "Friend" naman ang terminong ginamit niya patungkol sa kasamang lalaki.

"Ahm, it's okay. Because again, I am single, let me repeat that I am single, of course there will always be speculations," ani Sarah.

MAKI-BALITA: Sarah Lahbati naispatang may kasamang afam sa Hong Kong?

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, may hinihintay na sagot mula kina Richard Gutierrez, Barbie Imperial

Samantala, kung may iniisyung mystery man kay Sarah, pinuputakti naman ng intriga ngayon sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial, na hinuhulaan ng mga netizen kung magkasama ba sa Ticao Island noong Holy Week, dahil sa pagkakapareho daw ng background.

MAKI-BALITA: Richard, Barbie iniintrigang magkasama dahil sa mga puno ng niyog