Itinama ni showbiz columnist Cristy Fermin ang mga lumulutang daw na komento ngayon ng mga netizen patungkol kay Unkabogable Star Vice Ganda.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Martes, Abril 2, sinabi ni Cristy na wala raw nagbago sa ugali ni Vice Ganda.

“Mali ‘yong umaariba na naman daw po ang kahambugan ni Vice Ganda. Iko-correct ko lang po. Hindi naman nawala ‘yon, e. ‘Yan naman talaga ang kaniyang imahe. May kayabangan, mapatutsada,” saad ni Cristy.

“Tapos mayroon naman siyang mga tagasuporta na abalang-abala na naman ngayon,” aniya.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Matatandaang kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang isang post ni Vice Ganda na tila patama umano kina Cristy at sa co-host nitong si Romel Chika.

MAKI-BALITA: ‘Bwak bwak bwak bwak!’ Post ni Vice Ganda, pang-asar kina Cristy at Romel?

Bago kasi ito ay binanatan ni Cristy ang Unkabogable star matapos lumipat ng noontime show na “It’s Showtime” sa GMA 7.

MAKI-BALITA: Cristy Fermin, binanatan si Vice Ganda sa paglipat ng It’s Showtime sa GMA