Nilinaw ng batikang aktres na si Nova Villa ang intriga tungkol sa kanilang dalawa ng yumaong si Fernando “Da King” Poe, Jr. 

Sa latest episode ng vlog ng showbiz insider na si Morly Alinio nitong Martes, Abril 2, tinanong niya si Nova kung totoo ba talagang nagkaroon sila ng anak ni Da King.

“Tita Nova, tanong ko lang, tutal matagal na rin itong pinag-usapan. Nagkaroon daw kayo ng anak ni FPJ?” usisa ni Morly.

“Hindi po,” mabilis na sagot ni Nova, “walang gano’n.”

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

“At kung mayroon hindi mo naman ide-deny?” tanong pa ni Morly.

“Hindi mo ide-deny, anak mo ‘yon, e. Wala namang nangyari. Ayoko na lang palakihin. Rest in peace na ‘yong tao,” tugon pa ng batikang aktres.

Gayunpaman, may anak naman si Nova. Hindi nga lamang sa isang showbiz personality. In fact, mayroon na rin siyang mga apo.

“I have a daughter. Mayroon na akong apo. Apat, nasa Amerika. Ang asawa ko, hindi showbiz,” lahad niya.

Sa kasalukuyan, kung ilalarawan daw estado ng kaniyang buhay, masasabing simple ito pero masaya.