Inusisa ng isang netizen ang presensiya ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga sa groufie ng kaniyang mga kapuwa Pinoy Big Brother host at housemate.

Sa isang Instagram post kasi ni “Magandang Buhay” host Melai Cantiveros nitong Martes, Abril 2, makikita ang naturang groufie kasama sina Enchong Dee, Kim Chiu, Robi Domingo, Bianca Gonzalez, at asawa nitong si JC Intal.

“One House 🏡 . Different Batches 🙋‍♀️ . One Heart ❤️ . One Big Brother👨 and One Goal #Soon,” saad ni Melai sa caption ng kaniyang post.

Pero kumambyo din naman siya sa kasunod na bahagi ng caption: “Char lang nagbonding lang kami hehehhehe Over ang tawa ui akala mu tlaga walang mga problema hahahhahahahahah😂😂😂 LoveyouAll ❤️😘🥰”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Thank you ate bi sa laging pagpapatuloy sa amin sa inyung apaka gandang tahanan❤️ slamaat sa food Miga namu na gwapa Kim chiu and Parter enchong sa powder and sabon,” dugtong pa niya.

At dahil tila reunion ito ng mga dating host at housemate, hinanap ng isang netizen si Toni: “BAKIT WALA PO SI TONI? HAHAHHAHAHAHA”

Sumegunda naman ng hanash ang ilang netizen sa katanungang ito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“tsaka si Mariel”

“sama mo na lang din si Alex..😂😂😂”

“blocked listed c Toni, Mariel at Alex sa ABS CBN 😜🤣🤣🤣”

“Para kang🙄”

“nsa malacanang..”

“baka pa importante or pa pilit maninvite.... - Kunyare busy or may prior commitment kuno.. Or baka Ayaw lang iinvite MAmili na kayu sa choices 😂”

“evicted na po matagal na😂”

 “nsa malacanang sila,Dina nila kailangan ang pbb..”

Matatandaang noong Enero ay sinagot ni Toni ang lumulutang na kuwento tungkol sa muli niyang pagbabalik sa naturang reality show.

MAKI-BALITA: Toni Gonzaga sinagot kung babalik pa sa PBB