Bilang paggunita ng Philippine Veterans’ Week, maghahandog ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ng isang linggong libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) para sa mga beterano mula Abril 5 hanggang Abril 11, 2024.

Sa abiso ng LRTA nitong Miyerkules, nabatid na kailangan lamang ng mga beterano na ipakita ang kanilang balidong Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) Identification Card para mai-avail ang libreng sakay.

Libre ring makasasakay ang isang kasama ng beterano.

“Ito pong libreng sakay ng LRTA ay para bigyang-pugay at kilalanin ang sakripisyo at kagitingan ng mga beterano.  Nawa’y maipadama namin sa simpleng paraan ang aming pasasalamat sa inyo,” ayon pa kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera.

National

MRT-3, may 1 linggong libreng sakay para sa mga beterano

Nabatid na ang handog na libreng sakay ay bilang tugon sa hiling ng Department of National Defense para kilalanin at pasalamatan ang mga beterano sa kanilang sakripisyo at natatangi kontribusyon sa lipunan.

Ang LRT-2 ay ang siyang nag-uugnay sa Recto Avenue, sa Maynila at Antipolo City sa lalawigan ng Rizal.