TIla napaka-espesyal talaga ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo sa buhay ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Ayon kasi sa tsika ni showbiz columnist Cristy Fermin noong Lunes, Abril 1, gumatos raw nang malaki si Alden sa nakaraang birthday ni Kathryn.

“Gumastos siya nang malaki makarating lamang sa birthday ni Kathryn Bernardo. Bumayad siya ng private plane,” lahad ni Cristy.

“Para lamang mapagbigyan ang imbitasyon ng isang babaeng hindi niya naman karelasyon pero nagbibigay din ng importansiya sa kaniya. Gumawa ng paraan si Tisoy para makarating kasama ang mga kaibigan sa Palawan,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Sey tuloy ng co-host ni Cristy na si Romel Chika: “Ang  galing. Clap, clap talaga kay Alden.”

Matatandaang kamakailan lang ay ibinahagi ni Kathryn ang video summary ng kaniyang birthday celebration na ginanap sa isang yate.

Sa caption ng post ay sinabi ng aktres na ito ang kaniyang “happiest” birthday celebration sa kabila ng katotohanang hindi na niya kasama pang magdiwang ang ex-boyfriend na si Daniel Padilla. 

MAKI-BALITA: ‘Happiest’ birthday ni Kathryn, kung kailan wala na si Daniel?

Samantala, kinakiligan din ng mga netizen ang kumakalat ngayong video clip kung saan matutunghayang kayakap ni Alden si Kathryn sa surprise birthday party ni Priscilla Tañedo o “Boop Yap” sa aktres.

MAKI-BALITA: ‘Pa’no si Jericho?’ Alden at Kathryn naispatang magkayakap