Heto na naman ang mga marites sa pagsususpetsang may magkasamang artista sa isang lugar!

Matapos kasi ang inintrigang sina Kim Rodriguez at Marc Pingris, heto't pinuputakti ng tanong sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial kung magkasama ba sila sa iisang lugar noong Holy Week.

Pareho kasi silang nag-share sa Instagram ng post kung saan makikitang nasa bakasyon sila. Si Barbie, makikitang may hawak na buko at nakasandal sa puno ng niyog batay sa kaniyang mga larawan.

Si Richard naman, nasa isang dalampasigan at sa pamamagitan ng drone shots ay mapapansing napapaligiran sila ng mga kasama ng puno ng niyog.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Steady but ready," caption ni Chard.

Walang nakalagay na lokasyon, subalit hula ng mga netizen ay nasa Ticao Island, Masbate raw si Richard.

Kaya napapaisip tuloy ang mga netizen kung magkasama ba sila at nasa iisang lugar lang, o baka nagkataon lang?

Dinumog ng mga mapang-urirat na netizens ang comment section ng Instagram post ni Richard.

"bat po bakante isang Upuan?"

"D halata magkasama sila ni Barbie😹"

"Magkasama cla ni barbie"

"may nakita ako post ., nasa coconut trees area din 😂"

"Same background sila ni barbie. What a coincidence. Char

"Dati si @sarahlahbati lang dinadala mo dito sa Ticao Island ah, ngayon si @msbarbieimperial na 😅"

Kung sisilipin naman ang Instagram post ni Barbie, ang tanging caption lamang niya ay "happy easter."

Mapapansing naka-limit naman ang puwedeng magkomento rito.

Kapansing-pansing halos eksaktong date sila nag-post, isang araw lang ang pagitan. March 30 si Chard at March 31 naman si Barbie.

Matatandaang na-link na noon sa isa't isa sina Richard at Barbie matapos silang maispatang magkasama sa isang bar, subalit pinabulaanan ito nina Ogie Diaz at Cristy Fermin.

Ngunit kamakailan lamang, muli na namang naungkat ang tungkol dito dahil sa "Ogie Diaz Showbiz Update" kung saan iniulat nina Ogie at Mama Loi na may nakakita sa estranged wife ni Richard na si Sarah Lahbati na tila may kasamang ibang lalaki habang kumakain sa Hong Kong.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Richard at Barbie hinggil sa espekulasyon ng mga netizen na magkasama sila sa isang beach batay sa pagkakapareho ng kanilang background. Bukas ang Balita sa kanilang panig.