Pinusuan ng mga netizen ang mga larawan ni Asia's Outstanding Star at Kapamilya Superstar Kathryn Bernardo bilang cover girl ng isang lifestyle magazine para sa April issue.

Ipinakita ni Kathryn ang kaniyang kaseksihan habang siya ay nasa dalampasigan at kabatuhan na talaga namang nagpa-wow sa "level-up" ng aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

View this post on Instagram

A post shared by MEGA (@megamagazine)

View this post on Instagram

A post shared by MEGA (@megamagazine)

Sa panayam ng nabanggit na magazine ay tumatak sa mga netizen ang pananaw niya patungkol sa forgiveness o pagpapatawad.

Aniya, nagpapatawad siya subalit hindi ibig sabihin nito, puwede nang bumalik sa buhay niya ang taong pinatawad niya.

'Ang lalim kasi ng word na forgiveness. For me, you can forgive people who deserve it. But when I forgive you, it doesn’t mean that I have to keep you in my life. I forgive you for my peace of mind, for clarity, and for everything. But it doesn’t mean na puwede kang bumalik," aniya.

"There is a silent understanding: to give respect for whatever good we had in the past. I think that is where we should be right now. I don’t want to force things if I’m not yet ready. Let’s just leave it that way," dagdag pa niya.

Bagama't in general naman tungkol sa forgiveness ang sinabi niya, siyempre hindi naman maiwasan ng mga netizen na maikonekta ito sa pinag-usapang break-up nila ng real at reel partner na si Daniel Padilla, na pareho nilang kinumpirma noong Nobyembre 30, 2023 na talagang newsmaker ng taon at marami ang naapektuhan.

So means to say kaya nito na napatawad na niya ang ex-boyfriend sa dahilan ng hiwalayan nila, kung totoo man ang mga paratang at kumalat na tsika tungkol dito?

Matatandaang subtle way na tila sinabi ni Kathryn na wala nang second chance sa kanila ni DJ nang sabihin niyang "No looking back, just moving forward."

MAKI-BALITA: Sey ni Kathryn sa second chance, binalikan; Deej, di napagbigyan?