Tinalakay sa latest episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update" ang sightings daw ng ilang mga miron kay Sarah Lahbati habang may kasamang foreigner daw sa Hong Kong na ipinadala ang mga "resibong" larawan kay Ogie.

Sey daw ng nagpadala ng larawan kay Ogie, nakita raw niya si Sarah sa kabilang table ng kinakainang restaurant sa HK habang may kasamang afam.

"So sino 'yong kasamang lalaki?" tanong ni Mama Loi.

"Ay hindi natin alam," ani Ogie. "Ito ba ay bagong manliligaw ni Sarah? O baka naman kamag-anak ni Sarah. Eh kasi raw parang natapunan ng something 'yong lalaki, pinunasan ni Sarah..."

Relasyon at Hiwalayan

Mommy ni Gerald Anderson, humihirit na ng apo?

Nahiya raw lumapit ang kumuha ng larawan at nagpadala nito kay Ogie dahil baka nga naman makaistorbo siya sa dalawa. Sey naman ni Mama Loi, baka raw nahiyang lumapit at magpa-picture ang source niya dahil kumakain nga ito kasama ang lalaki.

Nang tanungin ang source kung kasama ba ni Sarah ang mga anak nila ni Richard Gutierrez, sinabi nitong walang itong kasama kundi silang dalawa lang ng afam.

Ani Mama Loi, wala naman daw problema kung may bagong manliligaw o jowa si Sarah dahil hiwalay na sila ni Richard at gumugulong na rin daw ang annulment case nila. Si Richard naman daw ay nali-link kay Barbie Imperial.

"Well, if that is the case, oo naman. Hintayin pa rin natin," sey na lang ni Ogie. "Hintayin natin baka may sabihin si Sarah tungkol sa pictures na 'yan."

Pati raw ang pagkaka-link ni Richard kay Barbie ay maiging hintayin din ang sagot.

Matatandaang minalisya ng mga netizen ang sighting naman ng dalawa sa isang bar na umano'y isa sa stockholders si Barbie.

MAKI-BALITA: Anong meron? Richard at Barbie, naispatang magkasama sa Alabang

MAKI-BALITA: Ogie Diaz may isiniwalat tungkol kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, nilalandi ba ni Barbie Imperial?

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Sarah.