Tila hindi nagustuhan ng mga netizen ang pagkanta ni Kapuso actor Tom Rodriguez ng "Versace on the Floor" ni Bruno Mars na mapapanood sa kaniyang ">TikTok account.

Makikitang todo-hirit si Tom sa mataas na tono ng kanta, na ayon sa mga netizen, ay tila naging "Mickey Mouse AI Version" na raw.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Versace on the floor - Mickey Mouse AI cover"

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Alexa, play versace on the floor by Mickey Mouse"

"mickey mouse singing versace on the floor"

"Versace on the floor by Mickey Mouse"

"the comments did not disappoint hahahahaha"

"I hear a bit of Mickey Mouse"

Samantala, maging sa X (dating Twitter) ay umabot na rin ang pang-ookray.

"Versace on the floor - Mickey Mouse AI version," sabi ng X user na si "Anima Cristi Vermin" na nirepost naman ng marami.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Tom sa mga okray na natanggap niya.