Naglabas ng pahayag si Senador Imee Marcos hinggil sa isyu ng "Gentleman's Agreement" sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at China kaugnay ng West Philippine Sea (WPS).

Matatandaang kamakailan lamang ay sinabi ni dating Presidential Spokesman Harry Roque na nakipagkasundo si Duterte kay Chinese President Xi Jinping, sa tinawag na "gentleman's agreement," upang mapanatili ang "status quo" sa Ayungin Shoal.

Sa isang pahayag nitong Lunes, Abril 1, sinabi ni Sen. Imee na sa kasalukuyan daw ay mas nangingibabaw ang “emosyon” sa halip na “rason” sa maritime conflict ng Pilipinas at China.

Ngunit mas mainam umano kung unahin ang pagsusulong ng “kapayapaan” sa naturang isyu.

National

PBBM sa muling pag-atake ng China: ‘We will not be cowed into silence’

“There’s no shame in pursuing peace. Whatever action that may put any Filipino in danger is a gross irresponsibility and must be avoided at all costs.”

“Hindi ako papayag na malagay sa panganib ang buhay ng kahit isang Pilipino. Subalit malinaw rin sa akin na hindi dapat isinusuko ang ating mga karapatan sa [WPS],” ani Imee.

“Maging matatag tayo sa gitna ng hamon na ito, ngunit dapat manaig ang kalmadong pag-iisip, mahinahong pananalita, at kalkuladong mga desisyon,” dagdag niya.

Ayon pa sa senador, nagsisimula raw ito sa pamamagitan ng “maayos na pakikipag-usap sa China” at iba pang bansang claimant din ng naturang mga isla sa WPS.

“Huwag tayong padalos-dalos, huwag tayong basag-ulo upang ating mapangalagaan ang kapakanan ng ating mamamayan,” saad ni Imee.

Courtesy: Senador Imee Marcos/FB

Kaugnay na Balita: