Dead-on-the-spot ang isang babaeng drug suspect matapos na paulanan ng bala ng ‘di kilalang salarin habang naliligo sa loob ng kanyang tahanan sa Antipolo City nitong Easter Sunday.

Mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktimang kinilala lang sa alyas na ‘Rose,’ na sinasabing kasama sa drug watch list ng kanilang barangay, at residente ng Purok 6, Zone 8, Boulevard, Brgy. Cupang, Antipolo City.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Lumilitaw sa imbestigasyon ng Antipolo City Police na dakong alas-3:00 ng hapon nang maganap ang krimen sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Abala umano ang biktima sa paliligo nang bigla na lang pumasok sa tahanan nito ang salarin at kaagad itong pinagbabaril bago mabilis na tumakas.

Hinala naman ng mga awtoridad na posibleng may kinalaman ang krimen sa illegal na droga na matapos na sabihin ng mga opisyal ng barangay na kabilang ang biktima sa kanilang BADAC watchlist at inaakusahang sangkot din sa ilang kasong may kinalamang sa illegal drugs.

Nakarekober din umano ang mga awtoridad sa ilang drug paraphernalia sa basurahang malapit sa tahanan ng biktima.

Patuloy ang masusing imbestigasyon sa kaso.