Nagpaliwanag na sa isang panayam ang tatay ng pitong buwang gulang na sanggol na "pinakabatang" fan ng singer-actor na si Juan Karlos "JK" Labajo matapos silang batikusin ng mga netizen dahil sa pagdadala nila rito sa naganap na music festival sa Paniqui, Tarlac kamakailan.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN News kay Niel Patrick Tubino, dinala nila ang kanilang baby na si "Fiyana" dahil totoo namang idolo nito si JK at nakikinig na sa mga awitin nito, taliwas sa mga sinasabi ng mga tao na "ginamit" lang daw ang anak para lang makuha ang atensyon ng singer.

"Para sa netizens, okay lang if reason is concerned sila sa baby namin but don’t worry alam po namin ginagawa namin," bahagi ng kaniyang panayam.

Pinabulaanan din ni Tubino na huminto sa pagkanta si JK dahil umiyak ang sanggol habang nagpeperform na siya.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

"Hindi totoo na pinapatahan o napansin niya na umiiyak o tumigil sa performance. Siguro last two songs na ni JK, lumapit siya sa mga fans…"

"So ginawa ng misis ko para hindi masayang, lumapit na siya sa stage. One meter lang kayo. Ginawa ng paligid namin tumulong— doon na napansin ni JK. Binasa na niya na board," paliwanag ni Tubino.

Sa kaniyang mahabang Facebook post ay ipinaliwanag ni Tubino na dalawang buwang gulang pa lamang ang anak ay masasabi na nilang tagahanga ni JK dahil madalas na pinapanood nito ang music videos ng singer-actor. Inilahad din ni Tubino kung gaano ito kasaya tuwing nakikita at naririnig si JK.

Kaya mensahe ng tatay sa bashers, huwag naman daw sana silang husgahan at alam daw nilang mag-asawa ang ginagawa nila.

"Thankful ako sa concern nila pero sana maging concerned tayo sa ating mahal sa buhay muna bago sa iba. Sana huwag din tayo mag-base sa one angle lang, huwag mag-focus sa isa lang, life has a lot of angles, you can’t be sure if tama. Paano tayo magtatagumpay if sa isa lang tayo naka-focus. Lastly, let us not forget to respect each other,” aniya pa.

MAKI-BALITA: ‘Pampatulog daw ang Ere!’ JK pinusuan matapos magpakita ng concern sa baby