Isang magnitude 5.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Lunes ng umaga, Abril 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:16 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 24 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng  Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 28 kilometro.

Naiulat ang Intensity V sa Lingig, and Hinatuan, SURIGAO DEL SUR, Intensity IV sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR, at Intensity III sa Boston, DAVAO ORIENTAL.

Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - City of Bislig, SURIGAO DEL SUR; Nabunturan, DAVAO DE ORO

Intensity I - City of Tandag, SURIGAO DEL SUR

Bagama’t walang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol, inaasahan daw itong magdudulot ng pinsala.