Inusisa raw ang showbiz insider na si Ogie Diaz tungkol sa real-score nina “What’s Wrong With Secretary Kim?” stars Paulo Avelino at Kim Chiu.

Kaya sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Marso 29, tinugon ni Oige ang pangungulit ng fans tungkol sa relasyon ng dalawa.

“Hindi na ako magtataka kung one of these days, umamin silang sila na. Lalo na ‘yong mga body language nila. ‘Pag sila’y nagkakasama sa promo, lalo na no’ng ‘It’s Showtime’ nando’n si Paulo,” saad ni Ogie.

“‘Yong body language nila, parang may sinasabi. ‘Yong hindi man nila sabihin na ‘yes, kami na’ parang ibinubuko sila ng kanilang body language,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa kalagitnaan tuloy ng kaniyang pagsasalita, biglang naalala ni Ogie ang isang kuwentong nasagap niya sa isa kaniyang mga source.

“Habang ginagawa raw itong “What’s Wrong With Secretary Kim?” e talaga namang muli pang inulit ni Kim Chiu na mahal niya si Paulo,” wika niya.

Matatandaang sa ginanap na grand mediacon ng naturang teleserye ay ibinuking din sina Kim at Paulo ng co-star nilang si Pepe Herrera tungkol sa kung anong klaseng ugnayan mayroon ang dalawa sa taping.

MAKI-BALITA: Pepe Herrera, ibinuking sina Kim, Paulo sa taping: ‘Para silang mag-asawa’

Bukod pa rito, isiniwalat din ni Kim sa isang hiwalay na panayam ang posibleng maging tawagan o call sign nila ni Paulo kung sakali mang magkatuluyan sila.

MAKI-BALITA: Kim, isiniwalat magiging tawagan nila ni Paulo ‘pag naging sila