Isiniwalat ng TV host-actor na si Luis Manzano ang dahilan kung bakit niya tinulungan noon si award-winning actor Baron Geisler.

Sa latest vlog kasi ni Luis nitong Sabado, Marso 30, naikuwento ni Baron ang tungkol sa pagbibigay umano ni Luis sa kaniya ng chance para magbago.

“Siguro naawa ka sa akin. Nag-guest ako sa show mo. Tapos may event sa ELJ, sa may Dolphy Theater. Sabi mo: ‘Halika, Baron, usap tayo.’ Iniupo mo ako do’n,” lahad ni Baron.

“Tapos we’re talking about business. Ako naman, tanga ako no’n, e. Wala akong alam sa business. Ang akin lang, maka-score ng chicks,” aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Na-touch ako do’n. ‘Di ko makakalimutan na out of these actors, naawa ka sa akin, gusto mo akong tulungan. Pero ‘di ako nag-follow through sa ‘yo. You’re giving me a chance…na magbago,” dugtong pa ng aktor.

Tanong tuloy ni Baron: “Bakit? Bakit mo ginawa ‘yon?”

“Definitely not because of naaawa ako sa ‘yo. But more of I can sense the goodness in you. Siguro darating ang awa kapag nakikita ko nang wala ka na talagang magagawa sa buhay mo, doon ako maaawa sa ‘yo,” tugon ni Luis.

Dagdag pa niya: “But I knew what you wanted to do. And some people, iba-iba lang ang crosses na dala. Whatever your cross to bear noong time na ‘yon, I respect and I acknowledge it [...] So, ‘di awa ‘yon. “

Matatandaang noong 2021 ay ikinatuwa ng netizens ang kaniyang total transformation. In fact, nakadalo na ulit siya sa ABS-CBN Ball 2023 matapos ma-ban nang ilang taon.

MAKI-BALITA: Baron Geisler, makakadalo na ulit sa ‘ABS-CBN Ball’ matapos ma-ban

MAKI-BALITA: Total transformation ni Baron Geisler, ikinatuwa ng netizens