Inalala ng dating sexy star na si Sabrina M ang pumanaw na matinee idol na si Rico Yan, na nasawi noong Marso 29, 2022 dahil sa hemorrhagic pancreatitis habang nagbabakasyon sa Dos Palmas resort sa Palawan, sa paggunita ng Holy Week.

"Remembering Rico Yan

22nd death anniversary 🙏," mababasa sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Marso 29.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Matatandaang sa isang panayam ay isiniwalat ni Sabrina M na noong nabubuhay pa si Rico ay nagkaroon sila ng relasyon nito, bagay na pinalagan naman ni Claudine Barretto na ex-girlfriend nito.

MAKI-BALITA: Sabrina M may isiniwalat, nagkalihim na relasyon kay Rico Yan

MAKI-BALITA: ‘Patahimikin na ang patay!’ Sabrina M sinalakay ng bashers dahil kay Rico Yan

MAKI-BALITA: Pamilya ni Rico Yan, nakiusap na patahimikin na ang kaluluwa ng anak

Samantala, sinariwang muli ni Claudine ang alaala ni Rico na taon-taon niyang ginagawa.

"March 29 My heart stopped 💔💔💔 #alwaysandforever," aniya sa caption.