Nagbigay na ng reaksiyon ang showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz hinggil sa kinasangkutang "cheating issue" ng kaniyang alagang si KIm Rodriguez, sa basketball player na si Marc Pingris na tinatawag ding "Pinoy Sakuragi."

Usap-usapan ng mga netizen sa X ang aktres at basketball player dahil daw sa isang blind item na mababasa sa "Reddit."

Batay rito, iniintriga ng mga netizen ang dalawa na tila magkasama raw sa Sydney, Australia dahil sa pagkakapareho ng kanilang background sa larawan, sa Sydney Opera House.

Ibinahagi pa ito ng X user na nagngangalang "Auntie Selina" kung saan makikita ang screenshot na larawan mula sa Instagram story ni Marc.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

"Marc Pingris," simpleng caption nito.

Mababasa naman sa text caption ng larawan ni Marc, "Wag kang bibitaw sa buhay na to!!"

Si Marc ay kasal sa aktres na si Danica Sotto, anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Sila ay may dalawang anak, isang babae at isang lalaki.

Bukod sa photos sa Sydney ay kumalat din ang tila pagkakapareho ng larawan nila sa isang gasoline station kung saan nagpa-picture sa kanila ang isang tindera ng isang sikat na flavored fries stall.

Nakipag-ugnayan naman ang Balita kay Ogie na talent manager ni Kim upang usisain ito tungkol sa isyu. Aniya, magbibigay raw siya ng komento tungkol dito sa kaniyang showbiz/entertainment vlog na "Showbiz Update."

MAKI-BALITA: Nagkataon lang? Kim Rodriguez, Marc Pingris iniintrigang magkasama

At nito ngang March 29 episode ay inaddress na ni Ogie ang isyu. Kung siya lang daw ang tatanungin, bilang talent manager ay sasabihan niya si Kim na huwag na lang patulan ang isyu, subalit naiipit siya sa sitwasyon dahil nagkataong vlogger din siya at siya talaga ang tinatanong ng mga marites at showbiz news reporters.

Inusisa raw ni Ogie ang alaga at pinabulaanan nito ang mga kumakalat na tsika.

"May relasyon ba sina Marc Pingris at Kim Rodriguez?" tanong ni Mama Loi, ang co-host niya.

"'Yung totoo... nakausap ko nga itong si Kim Rodriguez... kinausap ko 'yong alaga ko... tinanong ko nga siya, 'Hoy Kim ano ang totoo rito? 'Tito, hindi po 'yan totoo," sagot daw ng alaga.

Sundot naman ni Mama Loi, nagkakataon lang ba ang mga inilalapag na resibo ng mga netizen sa pagkakapareho ng lokasyon sa kanilang mga larawan?

"Tinanong ko si Kim diyan, 'Oh anong totoo dito? Dahil doon sa gasoline station, pareho kayong may picture ni Marc Pingris sa girl. Sabi sa akin ni Kim, 'Yong picture po na 'yan, yes ako 'yan... nagpunta po ako diyan, nag-stop over ako diyan, kasi papunta ako ng Subic. Kasama 'yong mga kaibigan ko. 'Yong kay Marc Pingris, hindi ko po alam kung kailan 'yon..."

Kahit tanungin daw ang tindera sa picture, mapatotohanan nito ang sagot niyang hindi sila magkasama ni Marc nang mga sandaling iyon.

Samantala, si Marc naman ay naglabas na rin ng pahayag tungkol sa isyu at pinabulaanan niyang may namamagitan sa kanila ni Kim. Giit pa ng basketbolista, maayos daw ang pamilya nila ni Danica kaya huwag na raw sana pang guluhin ng mga intrigera.

MAKI-BALITA: Pingris, nagsalita na sa intriga kasama si Kim Rodriguez: ‘Ok kami ng pamilya ko’