Napa-sana all na lang ang mga netizen kay Kapamilya star Andrea Brillantes matapos itong makatanggap ng mamahaling Rolex mula sa social media personality na si Whamos Cruz.

Birthday gift ito ni Whamos kay Andrea na kamakailan lamang ay nagdiwang ng 21st birthday. Napayakap na lang si Andrea kay Whamos nang makitang Rolex ang regalo nito sa kaniya.

Hindi makapaniwala si Blythe nang buksan niya ang mamahaling regalo sa kaniya ng social media personality.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Samantala, ang friend naman ni Andrea na si Bea Borres ay nakatanggap ng Dior bag mula sa kay Whamos.

Matatandaang kamakailan lamang ay nag-collab sa isang vlog sina Whamos at Andrea kasama ang partner ng una na si Antonette Gail. Biro pa nga ng mga netizen na kabahan na raw ang huli.

MAKI-BALITA: Andrea nakipag-bonding kay Whamos, mag-ina niya; Antonette Gail, kabahan na raw