Hindi pinalampas ng Kapuso comedy star-TV host na si Pokwang ang tirada ng isang basher na simula raw nang lumipat siya sa "Kamuning" (GMA Network) ay nalaos na siya at mukhang nagsisisi na siyang lumundag siya mula sa dating home network na ABS-CBN matapos daw itong makabangong muli.

Mababasa sa talak ng basher, "laos na si pokwang simula lumipat sa kamuning. Prang nagsisi nga daw na lumipat hehe kala kc nila hindi makakabangon ang abscbn."

Na shinare naman ng isang alt account na nagngangalang "Kapuso Things" at tinag pa si Pokwang.

"Mamang true ba?" tanong nito.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Sey naman ni Pokie, "Jusko saan galing mga animal na ito? Dapat ito ang tinatapon sa China! Mga mapaggawa ng [usaping] walang kuwenta!"

Giit ni Pokwang, masaya siya sa GMA Network at mataas din ang respeto niya sa ABS-CBN gayundin sa TV5 na saglit niyang naging tahanan bago ang ganap na pagiging Kapuso.

"masaya po ako sa@gmanetwork at mataas din respeto ko sa @abscbn both network at ang @tv5 ay mga malaking pasasalamat kopo dahil binuksan nila ang kanilang mga pinto sa aking talento 🙏🏼❤️ #GratefulHeart sa mga mapag gawa ng kwento sa impierno bagsak nyo!" mababasa sa kaniyang X post nitong hapon ng Marso 27.

Photo courtesy: Pokwang (X)

Lumipat si Pokwang sa GMA noong 2021 at pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.

Ayon sa kaniya, nagpaalam siya nang maayos at buo ang suporta ng kaniyang former ABS-CBN bosses sa kaniyang desisyon.