Umalma ang kaibigan ng aktres na si Danica Sotto sa pang-iintriga ng mga netizen sa X na umano'y magkasama raw sa Sydney, Australia sina Marc Pingris at aktres na si Kim Rodriguez.

Ayon sa ilang X users, nabasa nila sa isang blind item ang tungkol sa tsika, na sinegundahan pa sa napaulat ng "Fashion Pulis."

Napansin daw ng netizens na pareho ang background ng mga larawang ibinahagi nina Kim at Marc sa Sydney Opera House. Bukod dito, mukhang naka-couple shoes pa raw ang dalawa dahil sa pagkakapareho ng kulay nito.

Ngunit ayon sa BFF ni Danica na si Pebbles Duque, malabong gawin ni Marc ang cheating dahil kilala niya ito. Ibinahagi pa ni Pebbles ang ulat ng Balita tungkol dito.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"Ay nako. He wont do that. Maraming priorities si Marc. They have a beautiful family," aniya.

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Pebbles na matagal na raw kuha ang litrato ni Marc, noon pang Pebrero.

"Re Marc Pingris:

That photo was taken before pa Feb 16.

My besfriend Danica and him have a very beautiful family.

Holy week na, dasal na lang po tayo para naman mabawasan yung mga kasalanan natin," aniya.

Makikita naman sa comment section ang reply rito ng misis ni Marc na si Danica.

"kalma miga! we love you," aniya.

Tugon naman ni Pebbles, "Danica Anna Sotto-Pingris buti ka pa, kalma!"

Sey naman ng isa pang commenter na nagngangalang "Van Antonio-Fernandez" na mukhang malapit sa dalawa, "ate pebs! tayo hindi kalma, gigil! hahaha."

Nakipag-ugnayan ang Balita sa talent manager ni Kim na si Ogie Diaz ngunit sinabi nitong magbibigay siya ng komento tungkol sa isyu sa kaniyang entertainment vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update." Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Marc o si Kim tungkol sa isyu.

MAKI-BALITA: Nagkataon lang? Kim Rodriguez, Marc Pingris iniintrigang magkasama