Tila sinakyan na lang ng dating beauty queen at kasalukuyang Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista ang mga pasaring tungkol sa agwat ng edad nila ng boyfriend na si basketball star player Ricci Rivero matapos niyang magpaabot ng pagbati rito.

Nagpaabot ng pagbati si Leren sa kaniyang "my love" na naglaro sa PBA All-Star Game kamakailan.

"Congratulations on your first PBA All Star Game my love @ricciiirivero. You being the only rookie who played during the All Star Game was something else! 🤘🏼 We are so proud of you. 😘♥️ ," ani Leren.

Pahabol pa niya, "From your Nanay, Tita and Ante all in one."

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Makikita naman sa comment section ang "heart emoji" na tugon ni Ricci sa kaniya.

Matatandaang sa panayam sa kanila sa "Fast Talk with Boy Abunda," sinabi ni Leren na tinatawanan at sinasakyan na lang nila ni Ricci ang mga pasaring na mukha na raw silang mag-nanay o mag-tita.

MAKI-BALITA: ‘Hindi naman Tita!’ Leren, tanggap na mukha siyang ‘ate’ ni Ricci