Ipinagbunyi raw ng kaniyang mga nasasakupan si Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao dahil umano sa pagpapakumbaba niya kaugnay sa isyu ng maasim na mikropono.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Marso 27, ibinahagi ni Cristy na binaha raw sila ng mga text messages na nagpapahayag ng pagkatuwa sa mayora.

“Bumaha talaga. Tuwang-tuwa sila. ‘Yong iba, hindi ko na naipadala sa kaniya [Mayor Quiambao] kasi ang dami-dami,” saad ni Cristy.

“Pero maraming salamat kasi natutuwa siya dahil marami naman talagang pumick-up ng pagpapakumbaba niya. Mga broadsheet, mga vlogs, mga tabloid, at mga programa,” aniya.

Tsika at Intriga

Kyline Alcantara, Sarah Lahbati in-unfollow ang isa't isa

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Alam mo sabi ko sa kaniya, ang pagpapakumbaba ay contagious. Daig pa niyan ang cancer, mabilis kumalat. Kapag ang tao, mabilis at marunong tumanggap ng pagkakamali at nagpapakumbaba, kakalat ‘yan na ang bilis-bilis na parang apoy. At ‘yon ang ginawa ni Mayor Niña Jose.”

Kaya ang hiling ng co-host ni Cristy na si Romel Chika: “Sana hindi lang ikaw ‘yan, maraming gumaya sa ‘yo.”

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pangalan ni Mayor Niña matapos kumalat ang umano’y maliciously edited niyang video upang maging ugat ng katatawanan at paninira.

MAKI-BALITA: Mayor Niña Jose, pumalag sa bashers ng pagpapalit niya sa mabahong mikropono

MAKI-BALITA: Mic pinapalitan, amoy-maasim! ‘Kaartehan’ daw ni Mayor Niña Jose, usap-usapan