Kinaaliwan ng mga netizen ang tila hindi sinasadyang pananakot ni Kabayan Noli De Castro sa set ng "TV Patrol" habang nagbabalita ang kasamang si Zen Hernandez.

Sa ibinahaging screenshot ng ABS-CBN news anchor na si Jeff Canoy, makikitang nahagip ang repleksyon ni Kabayan sa salaming bahagi ng set kung saan makikita ang ABS-CBN logo, na nasa bandang likuran naman ni Zen habang naghahatid ng balita.

Pabirong sey ni Jeff sa X, "Kabayan, matagal pa ang Undas why naman nananakot 😂 #Kababalaghan"

https://twitter.com/jeffcanoy/status/1772262179909280085

Tsika at Intriga

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI

Si Kabayan ay kilala sa paghahatid ng special horror feature noon sa defunct-Saturday show na "Magandang Gabi Bayan," subalit ipinagpatuloy naman sa kaniyang bagong show na "KBYN."