Nakakaloka ang inispluk na tsika ni social media personality Xian Gaza tungkol sa kina Xian Lim, Kim Chiu, at Iris Lee.

Sa Facebook post ni Xian nitong Martes, Marso 26, tahasan niyang sinabi na ibinabahay raw ni Xian si Iris kahit sila pa noon ng ex nitong si Kim.

“Nag-live in na sila ni Iris Lee habang jowa pa niya si Kim Chiu kompirmd,” ani Xian.“AN'LALA HINDI AKO NAKAKAPIT,” saad niya.

Biro pa niya: “OKAY FINE HINDI DAW LIVE IN. SLEEP OVER LANG EVERYDAY.”

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Nagbigay naman ng reaksiyon ang ilang netizen sa naturang post ni Xian. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Mga Xian tlga oh.. Tsk tsk tsk”

“Mangilin ka naman sa tsismis. Baka magalit si papa Jesus. 🤣”

“YAN GUSTO KO BAGO AKO MAG JAPAN MAY CHISMIS KANG MALUPIT”

“KIM CHIU NA YAN HA..”

“Ansaket naman non marsi wala bang pa live dyan?”

Matatandaang sa isang episode ng “Showbiz Updates” ni Ogie Diaz ay ibinahagi niya ang nasagap niya umanong balita tungkol sa taon kung kailan nagsimulang magkakilala sina Xian at Iris.

MAKI-BALITA: Xian Lim, Iris Lee dalawang taon nang nagkakamabutihan?

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang balitang ito, wala pang inilalabas na pahayag ang magkabilang panig para kumpirmahin o pabulaanan ang naturang balita.