Tuluyan nang kinumpirma ni Popstar Royalty Sarah Geronimo ang mga naglalabasang balita tungkol sa kasalukuyang relasyon nila ng kaniyang inang si Divine Geronimo.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News noong Lunes, Marso 25, tinanong ni Dyan Castillejo si Sarah kung nakakausap na ba nito ang ina.

"Yes! Thank you Lord," mabilis na sagot ni Sarah. "I love you, Ma!"

“Love you, Ma,” sundot naman ng asawa niyang si Matteo Guidicelli. “We love our moms."

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Matatandaang kamakailan lang ay naiulat sa isang showbiz-oriented vlog ang tungkol sa pagkakabati umano ng mag-ina. 

MAKI-BALITA: Sarah Geronimo, Mommy Divine nagkabati na raw?

Inispluk pa nga ni showbiz insider Ogie Diaz sa kaniyang vlog ang nasagap niyang impormasyon tungkol sa umano’y pagtulog ni Sarah sa sa bahay ni Mommy Divine tuwing weekend.

MAKI-BALITA: Bati na talaga? Sarah, nakikitulog na sa kaniyang Mommy Divine

Lalo pang lumakas ang kutob ng madla na totoo ang naturang balita nang pasalamatan ng Popstar Royalty ang kaniyang ina sa ginanap na Billboard Women in Music 2024.

MAKI-BALITA: Sarah Geronimo, pinasalamatan ang ina sa Billboard Women in Music