Masaya raw ang dating host ng “Tahanang Pinakamasaya” na si Paolo Contis para sa bagong tahanan ng “It’s Showtime” sa GMA Network.

Sa eksklusibong panayam ng GMA News nitong Lunes, Marso 25, inusisa si Paolo kung bukas ba siya sa posibilidad na makatrabaho ang mga host ng naturang noontime show.

“Oo, work is work,” sagot ni Paolo.

Ang ilan naman daw kasi sa mga ito ay kaibigan niya lalo na si Ogie Alcasid na nakasama niya sa “Bubble Gang” ng ilang taon.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

 “And I’m very happy na mayroon silang lugar,” dugtong pa niya.

Matatandaang matapos ang pirmahan ng kontrata noong Miyerkules, Marso 20, ay naglabas ng joint statement ang ABS-CBN at GMA 7 kung kailan opisyal na mapapanood ang “It’s Showtime” sa bago nitong tahanan.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ opisyal nang mapapanood sa GMA sa Abril!

Kaya naman, lubos ang pasasalamat ni Unkabogable star Vice Ganda sa naturang TV network para sa pagtanggap nito sa kanila. 

MAKI-BALITA: Vice Ganda sa GMA Network: ‘Ang dali nilang kausap’