Kung si Star for All Seasons Vilma Santos lang daw ang tatanungin, payag na payag daw siyang pasukin ng kaniyang anak na si Luis Manzano ang politika ayon kay showbiz columnist Cristy Fermin nitong Lunes, Marso 25. 

Nakagisnan at nasubaybayan daw kasi ni Luis ang paraan ng pamamahala ng kaniyang ina na maaari niyang pagkunan ng inspirasyon sa loob ng ilan taon nitong paninilbihan bilang mayor, governor, at congressman ng Batangas.

“Ang sabi lang ni Ate Vi: ‘it’s not for me to decide. Sila pa rin ni Jessy ang mag-uusap.’ Siya ay magulang of course mahal na mahal niya ang kaniyang mga anak,” pahayag ni Cristy. 

“Pero tama ang pagrespeto na ibinibigay niya kay Jessy at Luis. Kasi nga naman, baka mamaya payag sila tapos pala si Jessy, makukulangan sa panahon,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa unang bahagi ng kaniyang showbiz-oriented vlog na “Showbiz Now Na,” nagpahayag na ng buong-suporta si Cristy kung sakali mang tatakbo si Luis bilang mayor ng Lipa, Batangas.

“Kung ako ay taga-Lipa City—hay naku!—ipagkakampanya ko siya. Magmo-motorcade kahit saan magpunta. Ikakampanya ko si Luis Manzano kung talagang tatakbo siya bilang mayor,” saad pa niya.

MAKI-BALITA: Luis Manzano, papasukin na rin ang politika?

Pero sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na pahayag o tugon ang mag-asawang Luis at Jessy para kumpirmahin ang balita ito.